Sa henerasyon ngayon, maraming mga kababaihan ang nahuhumaling sa K-drama, K-pop, pagbabasa ng Hangul, at pagsasagawa ng mga kulturang nagmula sa Korea.
"K-drama" yan ang tawag sa isang telenovela o drama na nagmula sa South Korea. Iba't ibang klase ng kwento ang mapapanood dito, kaya ang mga babaeng kabataan ay natutuwa sa mga ito. Pag napapanood nila ang mga iyon ay dun na nagsisimula ang pagkakaroon nila ng paghanga sa kwento lalong lalo na sa gumaganap na bidang lalaki dito. Minsan pa nga ay naririnig ko silang nag aagawan pa sa koreanong iyon at sasabihing "asawa ko yon","ang gwapo niya talaga", "akin lang siya". Ang mga katagang yan ang karaniwang naririnig ko sa tuwing mayroong usapan tungkol sa kanilang mga napapanood. Magugulat ka nalang bigla silang tumitili dahil sa kilig, pag di mo napanood ang pinag uusapan nila ay mananahimik ka nalang sa isang tabi dahil di mo naman alam ang pinaguusapan nila.

"K-pop" yan naman ang tawag sa mga makabagong musika na nagmula sa South Korea. Maraming nakikinig sa mga ito lalo na ang mga babaing masasabi mong "certified fangirl" yung tipong kakabisaduhin bawat salita kahit ang lengguwahe ay korean. Yung hahanapin pa talaga sa Google yung lyrics para lang makasabay tuwing maipapatugtog ang mga ito. May mga kabataan naman na ginagaya pa ang mga sayaw ng mga kantang iyon upang maiparamdam daw nila ang suporta sa Korean music. Marami rin namang mga naiinis sa mga kabataang nahuhumaling dito. Paano daw ba nagugustuhan ng mga kabataan ang ganoong uri ng musika? Bukod sa hindi ito naiintindihan, ano ba ang naitutulong nito sa mga kabataan?
"Hangul"yan naman ang alpabeto ng bansang Korea. Dahil nga marami ang humahanga sa bansang Korea maraming mga kabataan ngayon o kahit sino sa iba't ibang panig ng mundo ang gustong matutong bumasa at sumulat ng Hangul dahil para sakanila ay isang paraan narin iyon upang maintindihan o para sila'y mayroon ng kakayahan sa pagsulat at makabasa ng alpabetong ito. Inaalam din nila kung paano ito nababanggit ng tama na may kasamang intonasyon sa bawat salita. Minsa'y makakarinig tayo ng salitang "oppa", "eonnie", "yeobo", "jagiya", "saranghae o saranghaeyo" at syempre ang pinakaalam ng lahat na "annyeong" o "annyeonghaseyo" minsan pa nga'y nagiging biro ito at nasasabing "anong sa'yo?".
Ang kultura ng Korea ay unti unti ding inaalam ng mga tagahanga ng bansang Korea. May mapapansin ka nalang na yumuyuko na simbolo ng paggalang, at nag eensayo sa kung paano namumuhay ang mga koreano/a. O kaya naman ay kung ano ang nakikita nila sa mga napapanood na bidyo ng sikat na idolo sa korea ay nagagaya na din nila. Pati narin ang modernong pananamit ng kanilang idolo ay gusto din nilang magkaroon.
Madami ng mga bansa ang nakasakop sa bansa natin at namuhay na din tayo kung ano ang kanilang naibahaging kultura sa atin noong unang panahon. Pero sa ngayong henerasyon ay sa modernong paraan na nasasakop ng isang bansa ang Pilipinas dahil sa ibang kabataang na sobra kung mahalin ang ibang bansa, na minsan ay hindi na ata tama. Para sa akin, ayos lang kung ikaw ay humanga basta't wag kakalimutan kung saan ka nagmula.
Nakadagdag ito sa kaalaman ko dahil hindi naman ako gaanong humahanga sa KPOP.
ReplyDeleteSa panahon natin ngayon, hindi lahat ng kabataan ay nahuhumaling sa KPOP.
ReplyDeleteMay naidulot itong kaalaman sa akin tungkol sa mga ganyang bagay katulad ng K-pop dahil hindi gaanong malawak ang aking kaalaman dito. Magandang may naibigay itong impormasyon sa akin.
ReplyDelete